mga salitang ginagamit sa loob ng bilangguan
There are 25 entries in this glossary.All
| Term | Definition |
|---|---|
| alagwa |
oras na pwedeng lumabas ang bilanggo sa selda. |
| banila |
kahoy na ginagamit pang takal o pamalo; paddle |
| bantay pinto |
bilanggong naatasang magbantay ng pinto ng selda. siya ang nagbibigay pahintulot sa mga bilanggong gustong lumabas ng selda. |
| bastonero |
bilanggong nanunungkulan. tagapalo o taga takal ng bilanggong nagkasala. |
| bosyo |
mga bilanggong walang trabaho sa loob ng brigada. sila ang bandido ng pangkat kapag may riot. |
| buhos |
paglusob kapag may riot |
| bundol |
sulsol; pag-uudyok na makipag-away. |
| buyon |
banyo; kubeta |
| buyonero |
bilanggong naatasang tagabantay at tagalinis ng banyo. |
| gupi |
bilanggong walang dalaw |
| indulto |
kasalanan. paglabag ng mga alituntunin sa loob ng piitan. |
| jury |
bilanggong nanunungkulan. tagahatol nang bilanggong inaakusahan ng mabigat na pagkakamali. |
| lampyesa |
paglinis ng brigada |
| mahinarya |
bilanggong naatasang magbantay ng mga natutulog sa gabi. context: sa gabi, bawal nang pagala gala ang mga bilanggo kaya kung may kailangan silang ipabili o ipapakuha, mahinarya ang gagawa ng mga bagay na ito. |
| mayor |
pinuno ng selda. |

